BIGYANG daan po natin ang tanong ng isang nakabasa sa POST natin na may pamagat na "Ano ang Tunay na Relihiyon?"
Sabi niya, "kung kristiyanismo poh ang tunay na relihiyon at si hesus ang kinikilala nyong Diyos na nag tatag nito ,sinabi po ba ni Hesus sa bibliya na na tinatag nya ang kristiyanismo?o kahit po yung salitang "kristiyanismo"lumabasd po ba sa bibig ni hesus yon?at kung sa kapanahunan po ni hesus nya tinatag ang tunay na relihiyon,anu po ba ang relihiyon na mga naunang propeta?salamat po."
Salamat po sa tanong ninyo.
Sinabi po ba ni Hesus na itinatag Niya ang Kristiyanismo?
OPO.
At HINDI lang NIYA SINABI, ITINATAG pa NIYA MISMO ang KRISTIYANISMO.
Isa-isahin po natin.
Una, ano po ba ang Kristiyano?
Ang KRISTIYANO po ay isang TAGASUNOD o SUMUSUNOD kay KRISTO.
SINABI ba ni KRISTO na SUMUNOD sa KANYA ng mga TAO?
OPO.
Sa EBANGHELYO ay MARAMING PAGKAKATAON na SINABI ni KRISTO sa mga TAO na "SUMUNOD KAYO SA AKIN."
Noong SIMULAN ni HESUS ang KANYANG MINISTERYO ay iyan ang UNA NIYANG GINAWA.
Sa Mt4:18-19 ay mababasa natin, "Habang naglalakad siya sa may Dagat ng Galilea ay nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro at ang kapatid niyang si Andrew, na naghahagis ng lambat sa dagat. Sila ay mga mangingisda."
"Sinabi Niya [KRISTO] sa kanila: SUMUNOD KAYO SA AKIN, at gagawin ko kayong mga manlalambat ng tao."
Iyan din ang ginawa ng PANGINOONG HESUS sa magkapatid na JOHN at JAMES (Mt4:21-22)
Sa pagtatapos ng misyon sa lupa ng PANGINOONG HESUS, ang DIYOS na NAGKATAWANG TAO (John 1:1, 14), ay ang LAHAT na ng BANSA ang IPINATATAWAG NIYA sa pamamagitan ng Kanyang mga alagad.
Sa Mt28:19-20 ay iniutos Niya sa Kanyang mga alagad, "Humayo kayo at GAWING ALAGAD [TAGASUNOD] ang LAHAT ng BANSA."
"Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo."
"Ituro ninyo sa kanila na sundin ang lahat ng INIUTOS KO sa INYO."
"At heto, kasama ninyo ako hanggang sa katapusan ng panahon."
Diyan ay malinaw na TINAWAG at TINATAWAG ni KRISTO ang LAHAT ng TAO para SUMUNOD sa KANYA at sa KANYANG mga KAUTUSAN.
Ang KABUOHAN ng PANINIWALA at PAGSUNOD kay KRISTO ay tinatawag na KRISTIYANISMO.
Ang KRISTIYANISMO kasi ay ang KATIPUNAN ng LAHAT-LAHAT ng PANINIWALA at PAGSUNOD kay KRISTO.
So nung SABIHIN ni KRISTO na SUNDAN SIYA ng mga TAO at SUNDIN ang KANYANG mga UTOS ay ITINATATAG na NIYA ang KRISTIYANISMO, ang NAG-IISANG RELIHIYON na ITINATAG MISMO ng DIYOS dito sa LUPA.
Ngayon, hindi lang KRISTIYANISMO ang ITINATAG NIYA. TINIPON pa ni KRISTO ang KANYANG mga TAGASUNOD o ALAGAD sa IISANG KATAWAN, ang KANYANG KATAWAN.
Ang KATAWAN na iyan ay ang IGLESIA.
Sa Mt16:18 ay MALINAW na sinabi ni KRISTO, "At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro at sa ibabaw mo ay ITATAYO KO ang AKING IGLESIA."
Sinabi ba ni KRISTO na TITIPUNIN NIYA ang LAHAT ng KASAPI ng KANYANG RELIHIYON (KRISTIYANISMO)?
OPO. At iyan nga ay sa KANYANG IGLESIA na KANYANG ITINAYO ayon sa mga MISMONG SALITA NIYA sa Mt16:18.
So, diyan po ay makikita natin ang KATOTOHANAN na ang KRISTIYANISMO ay TATAG MISMO ng DIYOS. Malaking KAIBAHAN po iyan sa IBANG PANANAMPALATAYA na HINDI DIYOS ang NAGTAYO kundi mga "PROPETA" o "MANGANGARAL" lang.
Meron pa nga pong RELIHIYON na NI HINDI KINAUSAP ng DIYOS ang KANILANG PROPETA at NI HINDI NARINIG ng KANILANG PROPETA ang TINIG ng DIYOS.
Ano ang relihiyon ng mga naunang propeta?
Ang relihiyon po nila ay YAHWISM o ang PAGSAMBA KAY YAHWEH, ang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS na NAGPAKILALA kay MOISES sa bundok ng Horeb (Exodus 3:14-15).
Sa PAGPAPATULOY ng PAGPAPAKILALA ng DIYOS sa mga tao ay IPINAKITA NIYA na SIYA ay may TATLONG PERSONA: Ang AMA, ang ANAK at ang ESPIRITU SANTO (Mt28:19) na LUBOS na NAHAYAG noong MAGKATAWANG TAO ang DIYOS ANAK sa PERSONA ng PANGINOONG HESUS.
Salamat po.
Sunday, November 15, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)